Ako si Gaby. Nagaaral sa Good Shepherd Cathedral School. Hindi ako palaban, pero kung sinusubukan mo talaga ako, lalabanan kita. Ayoko ng sinungaling at hindi tumutupad sa pangako. IDGAF, Skippers!! :) Take care, and have a nice day. ;)
Sabado, Hulyo 30, 2011
Say hello to Goodbye. :(
Tae. Ang sakit ng puso ko. :'( Wala na kami. Wala nang Eight. Wala nang "I love you." Wala nang Kilig vibes. :'( Sayang yung 6 months na tinagal namin. Kalahati nalang e. Sabay, mawawala. Ilang weeks nalang, Eight na. Anobayon. :'( Taena. Sakit talaga. <//3
Biyernes, Hulyo 29, 2011
Yung feeling na nakakaasar. Haha. Eto yun. Ang landi kasi. Walang sinasanto. May boyfriend na nga, nanlalandi pa sa boyfriend ng may boyfriend. Gg sya e. Nakakaasar lang. Kasi, nangangako. Pero, hindi naman kayang tupadin. Hindi bagay sakanya maging kilala sa buong school. Pagka-iniwan neto si.. na malapit nyang kaibigan ngayon, ewan ko nalang. Tsk. Hindi naman kasi alam ni.. yung totoong ugali nya e. Kawawa naman. Haybuhay.
Wala akong magagawa. Malandi sa malandi e. Haha
Yung feeling na magulo. -_____-
Nagagalit kasi syaaaa. Sinasabi nya sakin, "Uso mag-PM." Blahblahblah. Ang gulo lang kasi, kapag naman kusa akong nagp-PM sakanya, hindi naman sumasagot. Pero kapag hindi ako nagp-PM, nagagalit. Enebeyen. Hatiin nalang natin katawan ko. Isa yung magp-PM. Isa yung hindi. Para pantay, diba? Hellyeah. Ngayon, galit nanaman sya. Haynakoo.
Unang unang post. :>
Hello, skippers! Eto yung unang una kong post, halata naman diba? :D Haha. Wala kong masyadong masabi kasi na-brainwash ako. Ang daming pumapasok sa utak ko na nakakasakit sakin. So, sguro, next time, madami na din akong masasabi. :> Yon lang. Salamat sa pag-basa. ;)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)